9 na kalsada pa sa CAR at Region III sarado pa sa mga motorista
Mayroon pang siyam na kalsada ang nananatiling sarado sa daloy ng trapiko dahil sa pinsalang naidulot ng bagyong Egay.
Sa nasabing bilang 7 ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) at 2 sa Region III.
Samantala, mayroon pang sampung road sections ang limitado pa rin ang access.
Kabilang dito ang 1 kalsada sa CAR, 5 sa Region I at 4 sa Region III.
Ang iba pang national roads at mga tulay sa mga rehiyon na naapektuhan ng bagyo ay passable na sa lahat ng uri ng mga sasakyan. (DDC)