LTO chief Mendoza pabor sa special plates para sa e-vehicles
Welcome kay Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II ang panukala ng isang party-list representative na lumikha ng special plates para sa mga e-vehicle sa bansa.
Sinabi ni Mendoza na ikokonsulta niya kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ang House Bill 8570 na inihain ni Malasakit at Bayanihan Rep. Anthony Golez, Jr.
Sa ilalim ng panukala ni Golez, aatasan ang LTO na gumawa ng special plates para sa mga e-vehicle na layuning humikayat ng mga Pilipino na magmay-ari nito para maproteksyonan ang kalikasan.
Ayon kay Mendoza, kaisa ang LTO sa mga panukala at hakbang na layong protektahan ang kalikasan.
Ilang car dealers ang nagsimula nang magbenta ng mga hybrid na sasaktan at isa sa mga pribilehiyo sa pagmamay-ari nito ay ang exemption sa number coding ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). (DDC)