Baligtad na watawat ng Pilipinas sa drone show sa Palarong Pambansa, kinondena ng Marikina City LGU
Dismayado ang Marikina City Local Government sa pagkakamali na nagawa sa drone show para sa pagtatapos ng 63rd Palarong Pambansa.
Bahagi ng selebrasyon ang isang drone show mula sa supplier ng lungsod na Dronetech ph.
Sa nasabing Drone Show ay nagkaroon ng pagkakamali sa formation ng watawat ng Pilipinas kung saan pula ang nasa ibabaw at asul ang nasa ibaba.
Mariin itong kinondena Marikina City Mayor Marcy Teodoro at iniutos ang pagtukoy sa legal na pananagutan ng kumpanya.
Maaari ding patawan ng multa ng Marikina City LGU ang nasabing kumpanya. (DDC)