Maraming Maynilad customers sa Metro Manila at Bulacan ilang araw na mawawalan ng suplay ng tubig
May ipatutupad na water service interruption ang Maynilad sa maraming customers nito sa Metro Manila.
Ayon sa abiso ng Maynilad, magpapalit sila ng pump sa North B Pumping Station sa La Mesa Compound, Quezon City bilang bahagi ng preventive maintenance measures na makakatiyak sa patuloy na maayos na serbisyo ng nasabing pasilidad.
Dahil sa nasabing aktibidad, ang mga customer ng Maynilad sa ilang bahagi ng Bulacan, Caloocan, Valenzuela at Quezon City ay pansamantalang makakaranas ng pagkahina ng pressure o kawalan ng tubig sa loob ng ilang oras sa Nobyembre 18, 19, 25 at 26, at Disyembre 2, 3, 9, 10, 16 at 17.
Pinapayuhan ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig sa mga oras na available ang supply sa kanilang lugar.
Mayroon ding water tankers ang Maynilad na iaantabay at handang magdala ng malinis na tubig sa mga apektadong lugar kung kinakailangan.
Narito ang mga lugar na maaapektuhan at maging ang oras at petsa ng service interruption: