Habagat magpapaulan pa rin sa malaking bahagi ng bansa ayon sa PAGASA

Habagat magpapaulan pa rin sa malaking bahagi ng bansa ayon sa PAGASA

Kahit nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon Khanun na dating bagyong Falcon, makararanas pa rin ng maulang panahon ang malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, apektado ng Habagat ang Luzon at Visayas.

Ngayong araw ng Miyerkules (Aug. 2) makararanas ng monsoon rains sa Zambales at Bataan.

Ocassional rains naman ang mararanasan sa Metro Manila, Ilocos Region, Pampanga, Bulacan, at Occidental Mindoro.

Makararanas naman ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, CALABARZON, nalalabing bahagi ng Central Luzon, at sa nalalabing bahagi ng MIMAROPA.

Samantala, bahagyang maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan naman ang mararanasan sa nalalabi pang bahagi ng bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *