Dalawang chopper ng Coast Guard nagdala ng tulong sa Cagayan

Dalawang chopper ng Coast Guard nagdala ng tulong sa Cagayan

Madaling araw pa lamang ay puspusan na ang pagtratrabaho ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) upang matiyak ang ligtas, mabilis at maayos na pamamahagi ng relief supplies sa mga apektadong pamilya ng malawakang pagbaha sa Cagayan ngayong ika-16 ng Nobyembre 2020.

Biyaheng Aparri, Cagayan ang Coast Guard Aviation Force (CGAF) lulan ng dalawang airbus light twin engine helicopter ng PCG, ang CGH-1451 at CGH-1452.

Ayon kay Coast Guard Sopkesman Commodore Armand Balilo, ang bawat helicopter ay naglalaman ng saku-sakong food packs mula sa Provincial Social Welfare Development ng Cagayan.

Samantala, tuluy-tuloy pa rin aniya ang relief transport mission ng mga barko ng PCG, kabilang ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301), para masigurong makakarating sa Bicol region ang lahat ng donasyong natanggap ng serbisyo mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at pribadong organisasyon. (RB)

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *