Dagdag singil sa pamasahe sa LRT-1 at LRT-2 epektibo na sa Aug. 2

Dagdag singil sa pamasahe sa LRT-1 at LRT-2 epektibo na sa Aug. 2

Simula sa Miyerkules (Aug. 2) ay ipatutupad na ang dagdag singil sa LRT 1 at 2.

Batay sa inaprubahang adjustment ng Department of Transportation (DOTr), sa LRT-2 ang minimum boarding fee ay tataas ng P13.29 mula sa dating P11, at P1.21 na dagdag sa bawat kilometrong biyahe mula sa dating P1.

Mula sa kasalukuyang P12 na minimum na pamasahe sa stored value o “beep card,” ay magiging P14 na ito.

Magiging P33 naman ang maximum fare o mula Recto Station hanggang Antipolo Station ang vice versa, mula sa dating P28.

Kung Single Journey Ticket ang gamit, mananatili sa P15 ang mimimum fare.

Magiging P35 naman ang maximum fare mula sa kasalukuyang P30.

Samantala sa LRT-1, P13.29 din ang boarding fare at ang distance fare ay magiging P1.21 din per kilometer.

Ang bagong minimum na pamasahe sa LRT-1 ay P14 at ang maximum naman ay P35 para sa Store Value Cards (SVCs).

Para naman sa Single Journey Tickets (SJTs), ito ay nagkakahalaga ng P15 ang minimum at P35 ang maximum.

Ayon sa DOTr, ang karagdagang pamasahe sa LRT-1 at 2 ay gagamitin para sa pagsasaayos at pagpapabuti ng mga pasilidad at serbisyo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *