Distance learning sa ilang lugar sa CALABARZON na labis na nasalanta ng Typhoon Ulysses suspendido hanggang sa Nov. 20
Sinuspinde ang pagpapatupad ng distance learning activities sa mga lugar sa Region 4-A o CALABARZON na labis na nasalanta ng Typhoon Ulysses.
Bayay sa inilabas na memorandum ng DepEd CALABARZON, ang suspensyon ay mula ngayong araw, Nov. 16 hanggang sa Nov. 20.
Nabatid na sakop ng suspensyon ang limang munisipalidad sa lalawigan ng Rizal kabilang ang Rodriguez, San Mateo, Cainta, Taytay, Baras-Pinugay at upland areas sa Tanay.
Layunin nitong mabigyang pagkakataon ang mga apektadong pamilya na maka-rekover muna sa naging epekto sa kanila ng bagyo.
Maliban dito, sinabi ng DepEd na marami ding office personnel at mga guro ang binaha.
Kasabay nito inatasan ang lahat ng school division superintendents na magsagawa ng inventory sa availability ng self-learning modules dahil maaring madaming modules ang nalubog din sa baha.