Underwater Search and Rescue/Retrieval Operations sa Talim Island sa Binangonan inihinto na
Matapos ang mahigit pitong oras na paghahanap sa iba pang posibleng biktima ng tumaob na bangka sa Talim Island, Binangonan Rizal ay nagpasya ang Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), at Philippine Red Cross (PRC) na itigil na Underwater Search and Rescue/Retrieval Operations.
Tinapos ang operasyon ala 1:30 ng hapon ng Biyernes (July 28).
Sa pinakahuling tala ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Binangonan, 40 ang nakaligtas sa insidente at 26 naman ang binawian ng buhay.
Sa 26 na binawian ng buhay, anim dito ang hindi pa malinaw ang pagkakakilanlan.
Samantala, bukas ay magsasagawa naman ng Surface Search and Rescue/Retrieval Operation ang mga otoridad. (DDC)