Orange warning itinaas ng PAGASA sa Bataan at Zambales
Nakataas ang heavy rainfall warning sa ilang lalawigan sa Luzon dahil sa pag-ulan na dulot ng Bagyong Egay at Habagat.
Sa inilabas na abiso ng PAGASA, alas 8:00 ng umaga ngayong Miyerkules (July 26) , nakataas na ang Orange Warning sa lalawigan ng Bataan at Zambales.
Yellow Warning naman ang nakataas sa Tarlac at Pampanga.
Samantala, ayon sa PAGASA, nakararanas ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Rizal, Nueva Ecija, at Bulacan.
Habang ganito rin ang mararanasang pag-ulan sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, at Quezon. (DDC)