LOOK: Rescue operations ng PCG sa Isabela at Cagayan nagpapatuloy
Tuloy-tuloy ang pagdating ng tulong mula sa Department of Transportation (DOTr), Philippine Coast Guard (PCG), gayundin ang iba pang concerned government agencies at local government units, upang mailigtas ang mga pamilyang nasalanta ng Bagyong Ulysses.
Simula kahapon ng madaling araw, walang tigil ang DOTr at PCG sa pagsasagawa ng rescue operations upang mailigtas ang mga kababayan nating nangangailangan ng agarang tulong.
Ngayong umaga, nagtungo na rin sa Cagayan ang lahat ng aerial assets ng Coast Guard uoang magsagawa ng flood damage assessment, rescue and aerial extraction operations.