Mahigit 9,600 stranded sa mga pantalan dahil sa bagyong Egay
Mahigit 9,600 na katao na ang stranded sa mga pantalan sa Bicol Region, Eastern Visayas, Southern Luzon at NCR-Central Luzon dahil sa bagyong Egay.
Ayon sa datos mula sa Philippine Coast Guard, sa mga pantalan sa Bicol, nakapagtala ng 5,889 na katao na stranded, 28 barko at 1,223 na rolling cargoes.
Samantala, sa mga pantalan sa Eastern Visayas, mayroong 2,214 na katao ang stranded, 7 barko, 379 rolling cargoes at 2 motorbancas.
Habang sa Southern Tagalog, 1,199 na katao ang stranded, 39 na barko, 232 rolling cargoes at 25 motorbancas.
Sa nasabing mga rehiyon, nakapagtala din ng 102 na barko at 61 motorbancas ang pansamantalang nagkanlong para matiyak ang kaligtasan dahil sa abgyong Egay. (DDC)