Pilipinas isa sa mayroong “fastest-growing economies” sa Asian region at sa buong mundo – PBBM
Ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang patuloy na pagtaas ng economic growth ng bansa.
Sa kaniyang State of the Nation Address (SONA), sinabi ng pangulo na sa kabila ng mga hamong pang-ekonomiya na dinaranas ng maraming bansa, nakapagtala pa rin ang Pilipinas ng 7.6% na paglago ng ekonomiya noong 2022.
Ito aniya ang pinakamataas na annual growth rate ng bansa sa loob ng 46 na taon.
Binanggit din ng pangulo ang pagbagal patuloy na pagbagal ng inflation o ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo.
Mula aniya sa 8.7 percent noong Enero 2023, bumaba na ito sa 5.4 percent noong June 2023.
Sinabi ng pangulo na ang Pilipinas ay nananatiling kabilang sa mayroong “fastest-growing economies” sa Asian region at sa buong mundo.
Sa nakalipas na isang taon, sinabi ng pangulo na bumuti din ang revenue generation ng gobyerno.
Mula Enero hanggan Mayo ngayong taon, ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay nakapagtala ng P1.05 trillion na koleksyon na mataas ng 10 percent kumpara noong nakaraang taon.
Habang ang Bureau of Customs (BOC) naman ay nakapagtala ng P476 billion na kuleksyon sa unang pitong buwan ng taon na 7.4 percent na mas mataas kumpara noong nakaraang taon. (DDC)