COVID-19 positivity rate sa NCR bumaba na sa 3.3 percent; ilang lalawigan sa Luzon nakapagtala ng “low” positivity rates
Bumaba pa ang positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila.
Mula sa 4 percent noong July 15 ay bumaba sa 3.3 percent ang positivity rate sa NCR noong July 22.
Pawang nakapagtala din “low” positivity rates sa iba pang lalawigan sa Luzon.
Kabilang dito ang mga sumusunod na lalawigan:
Batangas (3.5 percent)
Bulacan (3.8 percent)
Cavite (3.2 percent)
La Union (3.5 percent)
Quezon (3.7 percent)
Ang iba pang lalawigan sa Luzon ay pawang nakapagtala naman ng “moderate” positivity rates.
Habang nasa “high” naman ang positivity rate sa Ilocos Norte na 21.4 percent. (DDC)