Pagsusuot ng face mask sa LRT-2 boluntaryo na lang; pasahero pwede ng makipag-usap habang nasa loob ng tren

Pagsusuot ng face mask sa LRT-2 boluntaryo na lang; pasahero pwede ng makipag-usap habang nasa loob ng tren

Boluntaryo na ang pagsusuot ng face mask ng mga pasahero sa LRT-2.

Kasunod ito ng Proclamation No. 297 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung saan binabawi na ang pag-iral ng state of public health emergency sa bansa.

Ayon sa abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA), maaari na ding makipag-usap sa kapwa pasahero.

Papayagan na din ang mga pasahero na makipag-usap gamit ang cellphone.

Paalala lamang ng LRTA, hinaan lamang ang boses upang hindi makaabala sa kapwa pasahero.

Inabisuhan din ng LRTA ang mga pasahero na sumunod pa rin sa mga alituntunin para sa ligtas, maayos at komportableng biyahe. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *