Pasok sa public school at trabaho sa gobyerno sa Metro Manila suspendido sa Lunes (July 24)

Pasok sa public school at trabaho sa gobyerno sa Metro Manila suspendido sa Lunes (July 24)

Sinuspinde ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pasok sa mga public school at trabaho sa gobyerno sa Metro Manila sa araw ng Lunes (July 24).

Sa Memorandum Circular na inilabas ng Malakanyang ang suspensyon ay dahil sa bagyong Egay at dahil sa 72-hour transport strike na ikinakasa sa Metro Manila.

Sakop ng suspensyon ang klase sa lahat ng antas sa mga public school at trabaho sa gobyerno sa NCR.

Hindi naman sakop ng kautusan ang mga empleyado ng gobyerno na ang trabaho ay may kaugnayan sa paghahatid ng basic and health services at preparedness/response sa disaster at calamities.

Ang pagsuspinde sa pasok at trabaho sa mga pribadong eskwelahan at mga pribadong kumpanya ay ipinaubaya ng Malakanyang sa kani-kanilang pamunuan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *