Maharlika Investment Fund nilagdaan na bilang ganap na batas ni Pangulong Marcos

Maharlika Investment Fund nilagdaan na bilang ganap na batas ni Pangulong Marcos

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang ganap na baatas ang Republic Act No. 11954 o Maharlika Investment Fund (MIF).

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Marcos na ang MIF ay hakbang para sa makabuluhang economic transformation ngayong patuloy ang pag-recover ng bansa sa naging epekto ng COVID-19 pandemic.

“The MIF is a bold step towards our country’s meaningful economic transformation. Just as we are recovering from the adverse effects of the pandemic, we are now ready to enter a new age of sustainable progress, robust stability, and broad-based empowerment.” ayon sa pangulo.

Sa paglagda ng pangulo sa RA No. 11954 magkakaroon ng kakayahan ang gobyerno na pondohan ang mga mahahalagang proyekto sa agrikultura, infrastructure, at digitalization.

Una ng umani ng batikos ang MIF at nanawagan pa si Senate Majority Leader Aquilino Pimental III kay Pangulong Marcos na i-veto ang panukala.

Ayon sa Presidential Communications (PCO), layon ng MIF na palaguin ang pondo ng bayan, patatagin ang ekonomiya ng bansa at tustusan ang pagpapatupad ng mga high-impact infrastructure and development projects.

Sinabi ni Marcos na gamit ang MIF, mas mapapabilis ang implementasyon ng 194 National Economic and Development Authority Board-approved at NEDA-approved, flagship infrastructure projects.

Tiniyak ng pangulo sa publiko na ang pondo au ima-manage ng mga highly competent na opisyal na mayroong magandang track record at outstanding integrity.

Matapos ang paglagda sa MIF Act, ihahanda naman ng pamahalaan ang
implementing rules and regulations (IRR) para sa paglikha ng Maharlika Investments Corp. (MIC).

Inaasahan na ang MIC ay magkakaroon ng P75 billion na paid-up capital ngayong taon, kung saan P50 billion ang magmumula sa Land Bank of the Philippines (LBP) at P25 billion mula sa Development Bank of the Philippines. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *