Klase sa mga paaralan sa QC suspendido sa July 24 na araw ng SONA ni PBBM

Klase sa mga paaralan sa QC suspendido sa July 24 na araw ng SONA ni PBBM

Suspendido ang klase sa mga pribado at pampublikong paaralan sa Quezon City sa July 24, 2023 na araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang suspensyon ng klase ay sa bisa ng Executive Order No. 23 ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Ayon kay Belmonte, ito ay para bigyang-daan ang SONA ng pangulo na gaganapin sa Batasang Pambansa Complex.

Sa abiso ng Quezon City LGU, bagaman bakasyon na sa maraming paaralan, may ilang eskwelahan ang mayroong summer classes na maaaring maapektuhan ng ipatutupad na road closures para sa SONA. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *