Las Piñas LGU naglabas ng abiso ukol sa friendship stickers

Las Piñas LGU naglabas ng abiso ukol sa friendship stickers

Naglabas ng abiso ang Pamahalaang Lokal ng Las Piñas sa mga motoristang mayroong friendship route stickers sa kanilang sasakyan na hindi exempted mula sa expanded number coding scheme na ipinapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Metro Manila.

Paglilinaw ng lokal na pamahalaan ang friendship stickers ay maaari lamang gamitin sa friendship route sa mga subdivisions at hindi balido o walang bisa sa kahabaan ng Alabang-Zapote Road.

Sa Las Piñas City, alinsunod sa umiiral na expanded coding scheme ipinagbabawal sa mga sasakyang may plaka na nagtatapos sa 1 at 2 sa araw ng Lunes, 3 at 4 sa Martes, 5 at 6 sa Miyerkules, 7 at 8 sa Huwebes, at 9 at 0 naman sa Biyernes mula alas- 7:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi sa Alabang-Zapote Road.

Exempted sa naturang coding scheme ang mga public utility vehicles kasama ang tricycle, transport network vehicle services, motorcycles, garbage trucks, fuel trucks, markadong sasakyan ng pamahalaan, fire trucks, ambulansiya, markadong sasakyan ng media, at mga sasakyang may kargang mahahalagang produkto. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *