150 rockfall events, naitala sa bulkang Mayon
Sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala ng 150 na rockfall events sa bulkang Mayon.
Ayon sa Phivolcs, nakapagtala din ng 267 insidente ng volcanic earthquake at 3 Pyroclastic Density Current events.
Umabot naman sa 2,212 tonnes per day ang average ng sulfur dioxide mula sa bulkan noong July 17.
Naglabas din ng lava ang Mayon na may haba ng 2.8 kilometers Mi-isi Gully, 2.4 kilometers sa Bonga Gully at 600 kilometers sa Basud Gully.
Nananatiling nakataas ang Alert Level 3 sa bulkang Mayon. (DDC)