5,000 driver’s license cards ipapamahagi ng LTO bago ang SONA ng pangulo
May ipapamahaging 5,000 driver’s license cards ang Land Transportation Office (LTO) bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 24.
Ayon kay LTO Office-in-Charge Assistant Secretary Hector Villacorta, ang unang batch ng license cards ay ipamimigay muna sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at sa mga bagong aplikante ng driver’s license.
Sinabi ni Villacorta na kayang makagawa ng kumpanyang Banner Plasticard, Inc. ng 15,000 hanggang 30,000 na cards kada araw para makamit ang ipinangakong 1 million cards sa susunod na 60-araw.
Kamakailan inilunsad na din ng LTO ang electronic copies ng driver’s license na maaaring ma-access sa Portal ng LTO.
Ang e-Driver’s License ay maaaring magamit bilang proof of identification at maaaring ipakita ng driver kapag sila ay nasita sa daan. (DDC)