Mahigit P10.3M na halaga ng cash assistance ipinamahagi sa mga apektadong pamilya sa Albay
Mahigit 2,000 pamilya na naapektuhan ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon ang tumanggap ng cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Araw ng Linggo, July 16 ay nagsagawa ang DSWD Bicol Regional Office ng Emergency Cash Transfer (ECT) payout activities sa Brgy. San Andres sa Sto. Domingo, Albay at sa Brgy. San Jose sa Malilipot, Albay.
Mayroong 1,544 beneficiaries sa San Andres at 838 beneficiaries naman sa Malilipot.
Sa kabuuan, umabot sa 2,382 na apektadong pamilya na nananatili sa evacuation centers ang tumanggap ng tulong-pinansyal.
Kabuuang P10,334,084 ang halaga ng naipamahaging tulong ng DSWD. (DDC)