Metro Manila Subway magiging fully operation sa 2019 – DOTr

Metro Manila Subway magiging fully operation sa 2019 – DOTr

Sa taong 2029 inaasahan ng Department of Transportation (DOTr) na magiging fully operational na ang Metro Manila Subway Project.

Ang nasabing proyekto ay may habang 33-kilometer, may 17 istasyon at bumabaybay mula sa Valenzuela City hanggang Parañaque City.

Noong Lunes (July 10) ay ipinasilip ng DOTr ang progreso ng konstruksyon ng subway.

Sinabi ni DOTr Asst. Sec. for Railways Jorjette Aquino, sa 2029 inaasahan ang full operations ng subway

Sa sandaling matapos ang proyekto mas bibilis at magiging kumportable ang biyahe mula at patungong Valenzuela City hanggang NAIA Terminal 3— dahil magiging 41 na lamang ito kumpara sa kasalukuyang biyahe na isang (1) oras at tatlumpung (30) minuto.

Inaasahang mahigit 519,000 pasahero kada araw ang gagamit ng subway sa unang taon ng serbisyo.

Ang subway ay kunektado din sa mga istasyon ng LRT-1, LRT-2, MRT-3, MRT-7, at PNR. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *