Water level ng mga dam sa Luzon lalo pang nabawasan
Nabawasan pa lalo ang antas ng tubig sa Angat Dam at Ipo Dam.
Base sa datos ng PAGASA Hydrology Division, umaga ng Martes, July 11, nasa 178.80 meters na lamang ang antas ng tubig sa Angat Dam.
Mas mababa ito sa 180-meter minimum operating level ng dam.
Samantala, nasa 98.57 meters naman ang water level ng tubig sa Ipo Dam.
Mas mababa din ito sa 101-meter maintaing level ng dam.
Nasa 78.55 meters naman ang water level ng La Mesa dam na mas mababa sa 80.15 meters na normal high water level nito.
Ang iba pang mga dam sa Luzon gaya ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat, at Caliraya ay pawang nabawasan ang water level sa nakalipas na magdamag. (DDC)