Mga residente sa NCR, kalapit na probinsya pinagtitipid sa tubig ng DENR
Nagpaalala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga taga-Metro Manila at mga kalapit na lalawigan na magtipid pa ng tubig.
Bunsod ito ng inaasahang epekto ng El Niño phenomenon at patuloy na pagbaba ng water level sa Angat Dam.
Sa inilabas na DENR Bulletin No. 2, hiniling ng ahensya sa lahat ng mga barangay official, condominium at subdivision managers, at mga residente na bawasan ang mga aktibidad na ginagamitan ng maraming tubig gaya ng paghuhugas ng sasakyan.
Ipinayo ng DENR ang pag-promote ng rainwater collection sa mga residente para sa non-optable use ng tubig.
Mas mainam din kung maire-recycle ang ang tubig na ginagamit sa paglalaba.
Hiniling di ng DENR sa mga LGUs sa NCR na bilisan ang pag-apruba sa water pipe repairs ng Manila Water at Maynilad sa kani-kanilang nasasakupan.
Ayon sa DENR ang Water Resources Management Office (WRMO) ay magsasagawa ng spot inspection sa mga office building para matukoy ang mg unwarranted use ng tubig, leaks at faulty bathroom fixtures.
Buwan-buwan ding susuriin ng WRMO at MWSS ang water bills ng lahat ng government facilies batay sa inilabas na kautusan ng Malakanyang sa pagtitipid ng tubig ngayong panahon ng El Niño. (DDC)