Bayawak na may habang 3-feet nahuli sa Antipolo City
Isang Monitor Lizard o bayawak ang namataan ng isang residente sa Brgy. Dalig sa Antipolo City.
Agad na dinala ng residente ang nahuling Bayawak sa barangay na mayroong bigat na 10 kilo at 30feet ang haba.
Nakipag-ugnayan naman ang pamunuan ng Brgy. Dalig sa Animal Control Team upang mai-turn over ang bayawak.
Ayon sa Antipolo City LGU, ang mga bayawak ay may lason o venom na hindi man gaanong mapanganib sa mga tao ay mapanganib at nakamamatay naman sa mga ‘prey’ nito gaya na lamang ng mga aso at pusa.
Paalala naman ng City Government sa mga residente, kung makakakita ng bayawak ay agad ipagbigay-alam sa mga otorida.
Maaaring tumawag sa City Veterinary Office (CVO) hotline na 8689-4514. (DDC)