Positivity rate ng COVID-19 sa NCR bumaba na sa 4.9 percent
Bumaba sa “low” ang positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila.
Sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. David Guido, mula sa 6.0 percent noong June 24 ay bumaba na sa 4.9 percent ang positivity rate sa NCR noong July 1.
Nasa “low” na din ang positivity rate ng COVID-19 sa Laguna na 5.0 percent at sa Rizal na 4.7 percent.
Nananatili namang nasa “high” ang positivity rate sa Bataan na nasa 20.3 percent at sa Isabela na nasa 29.4 percent.
Karamihan naman ng lalawigan sa Rizal ay nasa “moderate” ang COVID-19 positivity rate. (DDC)