UP magtalaga ng dagdag na roving security personnel kasunod ng insidente ng sexual assault sa isang estudyante sa loob ng campus sa Diliman
Tiniyak ng pamunuan ng University of the Philippines Diliman (UPD) na nakkipag-ugnayan ito sa mga otoridad para agad maaresto ang suspek sa insidente ng sexual assault na nangyari sa loob ng campus sa Quezon City.
Sa inilabas na pahayag ng UPD Office of the Chancellor, July 1, alas 11:00 ng gabi nang matanggap ng UPD Police ang report na may isang babaeng estudyante ang nabiktima ng sexual assault sa bahagi ng Ylanan Street.
Ayon sa UPD, nakikipag-ugnayan na din ang pamunuan sa biktima para maibigay ang kinakailangan nitong tulong.
Pinaalalahanan naman ang lahat ng estudyante na agad ireport kapag may kanina-hinalang indibidwal sa loob ng campus.
Magtatalaga din ang UPD ng mas maraming roving security personnel at UPD police officers sa iba’t ibang bahagi ng campus partikular kapag natapos na ang office hours. (DDC)