Mga aning pinya sa Isabela at Cagayan na hindi maibenta, pinakakain na lang sa hayop

Mga aning pinya sa Isabela at Cagayan na hindi maibenta, pinakakain na lang sa hayop

Inilunsad ng grupong Rural Rising Philippines o RuRi ang “Pineapple Rescue” para matulungan ang mga magsasaka sa Northern Luzon na maibenta ang kanilang mga aning pinya.

Kasunod ito ng ulat na ang mga aning pinya sa Echague, Isabela at Santa Ana, Cagayan ay pinakakain na lamang sa mga kabayo, kalabaw at baboy kaysa tuluyang masira at masayang.

Ayon sa RuRi, tone-toneladang pinya ang hindi maibenta ng mga magsasaka dahil walang buyers.

Dahil dito, nagpasya ang grupo na tulungan ang mga magsasaka sa kanilang problema sa over production at maldistribution.

Sa halagang P249, maaaring makabili ng 7 kilo ng pinya sa link na http://bit.ly/PineapplesGB-RRPH na ibinahagi ng RuRi sa kanilang Facebook page.

Nagtalaga din ng pickup points ang RuRi sa Mandaluyong, Quezon City, at Muntinlupa kung saan maaaring makuha ang inorder na mga pinya.

Maaari ding magpadala ng tulong sa mga magsasaka sa pamamagitan ng sumusunod na impormasyon:

GCash (09175017787)
Bank (Asia United Bank, 545-11-000128-5, Rural Rising Philippines Inc.) (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *