25 Pinoy galing Lebanon nakauwi na ng bansa

25 Pinoy galing Lebanon nakauwi na ng bansa

Nakauwi na sa bansa ang 25 distressed Filipinos galing ng Lebanon.

Inasikaso ng Philippine Embassy sa Lebanon ang repatriation sa mga Pinoy sa pakikipagtulungan sa Lebanese authorities.

Kabilang sa proseso ang clearance mula sa legal at immigration liabilities ng mga Pinoy.

Kasama sa mga umuwi ang isang detainee na natulungan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng legal assistance.

Apat naman sa kanila ay pawang OFWs na naapektuhan ng mga strike sa Lebanon.

Ang nasabing mass repatriation activity ay huling batch na ng mga Pinoy na ipoproseso ng Philippine Embassy sa Lebanon sa ilalim ng Assistance-to-Nationals (ATN) Section ng DFA.

Ang nasabi kasing function ay nailipat na sa Migrant Workers Office (MWO) sa Lebanon simula noong July 1, 2023. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *