P40 na dagdag sahod sa mga manggagawa sa NCR, barya lang ayon sa KMU

P40 na dagdag sahod sa mga manggagawa sa NCR, barya lang ayon sa KMU

Para sa labor group na Kilusang Mayo Uno (KMU), tinipid at binarat ang mga manggagawa sa Metro Manila sa ibinigay na P40 na dagdag sahod para sa mga minimum wage earners.

Sa pahayag ng KMU, kulang pa ang P40 para makabili ng isang kilong bigas para sa isang pamilya.

Wala man lang din ito sa kalahati ng isinampang petisyon ng mga unyon at labor groups para sa hirit na dagdag sahod.

Ayon kay KMU Secretary General Jerome Adonis, ibinibida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang rapid expansion ng ekonomya ng bansa subalit mainam aniya na tingnan din ng pangulo ang mabilis na paglawak ng agwat ng mayayaman at mahihirap.

Panawagan ng KMU, magbigay ng dagdag-sahod na kayang bumuhay ng mga manggagawa at hindi barya-barya lamang. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *