Pangulong Marcos nanawagan sa mga Pinoy na maging ‘tourism ambassadors’ ng bansa; bagong tourism campaign slogan inilunsad
Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sambayanan na maging “tourism ambassadors” at “top influencers” para mai-promote ang Pilipinas.
Pahayag ito ng pangulo sa kaniyang talumpati sa idinaos na 50th Anniversary ng Department of Tourism (DOT) sa Manila Hotel.
Kasabay ng anibersaryo ng DOT ay inilunsad din ang bagong tourism campaign slogan na ‘LOVE the Philippines.’
Ayon sa pangulo, hindi mauubusan ang Pilipinas ng mga magagandang lugar, masasarap na pagkain, at talento.
“The genuine warmth of the Filipino people is indeed our greatest asset. The hospitality that we extend the visitors—both local and foreign—is a unique characteristic that is innately embedded in the social fabric of being a Filipino and it is something that we should all be very proud of,” ayon sa pangulo.
Siniguro din ni Pangulong Marcos na pag-iibayuhin pa ang tourism industry ng bansa.
Nagpasalamat ang pangulo kay DOT Secretary Christina Garcia-Frasco at sa buong DOT team sa kanilang pagbuo ng bagong kampanya.
“Let us therefore strive to translate our golden vision into reality, which also encapsulates this year’s milestone theme of GINTO or ‘Greater Innovations, New Tourism Opportunities.’ Let this serve as our inspiration as we continue to recover from the onslaught of the Covid-19 pandemic, by which the tourism sector was undoubtedly one of the hardest hit,” dagdag ng pangulo. (DDC)