BRP Tarlac nakarating na sa Albay dala ang medical equipment para sa mga inilikas na pamilya
Nakarating na sa lalawigan ng Albay ang Philippine Navy ship asset na BRP Tarlac LD-601.
Ang nasabing barko ay maghahatid ng respiratory at iba pang medical equipment mula sa Department of Health (DOH) para sa mga residenteng apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.
Sinabi ni Philippine Navy Capt. Oliver Obongen, ang barko ay may puwede ring magamit bilang alternatibong evacuation center, mobile government at water source desalination facilit.
Mayroon ding medical at dental facility ang BRP Tarlac.
Ang deployment ng BRP Tarlac sa Albay ay base sa direktiba ng Department of National Defense na magbigay ng suporta sa lokal na pamahalaan para matugunan ang pangangailangan ng mga inilikas na pamilya. (DDC)