Pag-iral ng number coding suspendido sa July 28
Suspendido ang pag-iral ng number coding sa Miyerkules, July 28, 2023.
Ang nasabing petsa ay deklaradong Regular Holiday bilang pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga sasakyan na mayroong plaka na nagtatapos sa 5 at 6 ay maaaring makabiyahe sa nasabing petsa.
Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na maging maingat at planuhin ng maaga ang kanilang pagbiyahe. (DDC)