Coin Deposit Machine inilunsad ng Bangko Sentral

Coin Deposit Machine inilunsad ng Bangko Sentral

Inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang Coin Deposit Machine (CoDM) Project na layong gawing maayos ang pag-circulate ng mga barya sa bansa.

Ayon sa BSP, gamit ang CoDM ang halaga ng mga baryang ihuhulog dito ay maaaring i-deposito sa e-wallet account o ipapalit upang maging voucher sa mga kalahok na shopping malls.

Sa ngayon ay maaaring gamitin ang maipapapalit na voucher sa lahat ng SM Store sa bansa.

Nakapaglagay na ang BSP ng CoDM sa SM Mall of Asia, Robinsons Place Ermita at Festival Mall Alabang.

Sinabi ng BSP na nakatakda pang mag-deploy ng mas maraming CoDM sa iba pang retail establishment ng SM at Robinsons ngayong taon.

Ang mga CoDM ay tumatanggap ng denominations na 1, 5, 10 at 25 centavos at 1, 5, 10, at 20 Pesos. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *