COVID-19 Positivity Rate sa NCR bumaba pa
Patuloy sa pagbaba ang positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ayon sa datos ng OCTA Research, mula sa 11.6 percent noong June 10, ay 7.3 percent na lang ang positivity rate sa NCR noong June 17.
Nakapagtala naman ng pagtaas sa positivity rate sa Palawan at Pangasinan.
Ayon sa OCTA Research, mula sa 17.9 percent ay umakyat sa 19.5 percent ang positivity rate sa Palawan.
Habang sa Pangasinan, mula sa 19.4 percent ay umakyat ang positivity rate sa 21.4 percent. (DDC)