Sabtang, Batanes niyanig ng magnitude 4.8 na lindol
Tumama ang magnitude 4.8 na lindol sa lalawigan ng Batanes.
Ang pagyanig ay naitala ng Phivolcs sa layong 64 kilometers southwest ng bayan ng Sabtang, 2:56 ng madaling araw ng Sabado, June 17.
May lalim na 33 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng aftershocks. (DDC)