Common kitchen, palikuran, water supply system itatayo sa mga evacuation centers

Common kitchen, palikuran, water supply system itatayo sa mga evacuation centers

Magtatayo ng mga common kitchen preparation area sa lahat ng evacuation centers para sa mga inilikas na residente na apektado ng bulkang Mayon.

Ayon kay Engr. William Sabater, coordinator ng WASH Program ng Albay Provincial Health Office, ang pagtatayo ng nabanggit na communal areas ay kailangan upang lahat ng pamilya ay malayang makapagluluto.

Ang pagtatayo ng common kitchen o common food preparation area ay para rin mapanatili ang kalinisan sa mga paaralan, at maging organisado ang mga kaganapan sa paaralan.

Maliban sa food preparation areas, nais din ng PHO na magtayo ng common bathing area lalong-lalo na para sa mga kababaihan na kailangan ng privacy sa paggamit ng mga palikuran.

Para maiwasan ang pagbara ng mga palikuran, maglalagay rin ng drainage system ang PHO upang mabilisang madispose ang mga waste materials.

Sa water supply naman, magbibigay rin ang PHO ng water testing kit upang masuri kung ligtas gamitin at inumin ang tubig para sa domestic potable water supply. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *