Eroplanong sinasakyan ni Pang. Marcos patungong South Cotabato nakaranas ng technical problem
Na-delay ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa South Cotabato.
Ito ay makaraang makaranas ng techncial problem ang eroplanong sinasakyan ng pangulo.
Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil, bumalik sa Villamor Air Base ang eroplano at lumipat na lang ng ibang aircraft ang pangulo.
Tiniyak naman ni Garafil na maayos ang kondisyon ng pangulo at ligtas na nakalapag sa South Cotabato ang panibagong eroplanong sinakyan nito. (DDC)