Habagat magpapaulan pa rin sa Luzon ayon sa PAGASA

Habagat magpapaulan pa rin sa Luzon ayon sa PAGASA

Makararanas pa rin ng pag-ulan ang malaking bahagi ng Luzon ngayong araw dahil sa epekto ng Habagat.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng monsoon rains ang Ilocos Region, Batanes, at Babuyan Islands.

Maulap na papawirin naman na may kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Cordillera Administrative Region, Bataan, Zambales, Tarlac, Pampanga, at Bulacan.

Habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, Habagat lamang ang umiiral na weather system ngayon sa bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *