Dating senador Rodolfo Biazon pumanaw sa edad na 88
Pumanaw na si dating senador at dating Armed Forces chief of staff Rodolfo Biazon.
Ang 88-anyos na dating senador ay pumanaw matapos magkasakit ng pneumonia.
Ayon kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, na-diagnose ang kaniyang ama sa lung cancer noong July 2022 at sumailalim sa gamutan.
Ngayong taon, dalawang beses itong nagka-pneumonia.
Nagpasalamat ang pamilya Biazon sa lahat ng nagpakita ng suporta, pagmamahal at pakikipag-kaibigan sa dating senador. (DDC)