Degassing activity naitala sa Bulkang Taal

Degassing activity naitala sa Bulkang Taal

May naitalang degassing activity ang Phivolcs mula sa main crater ng Bulkang Taal.

Sa inilabas na Volcano advisory ng Phivolcs, 11:00 ng umaga ng Miyerkules, June 7 sa nakalipas na 24 na oras ay nagkaroon ng active degassing sa bulkan.

Nagbuga ang bulkan ng steam-rick plumes na umabot sa 2,000 meters ang taas.

Nagdulot ito ng volcanic smoog sa Taal Caldera at sa mga kalapit na lugar.

Ayon sa Phivolcs ang volcanic smog ay maaaring magdulot ng eye irritation at throat and respiratory tract.

Dahil dito, pinag-iingat ang publiko lalo na ang mga mayroong asthma, lung disease, heart disease, nakatatanda, mga buntis at mga bata.

Nananatiling nasa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.

Ayon sa Phivolcs, kung tataas pa ang aktibidad na namomonitor sa bulkan ay maaaring itaas ang Alert Level 2. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *