Bagong kalihim ng DOH at DND itinalaga ni Pangulong Marcos
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Dr. Teodoro Herbosa bilang kalihim ng Department of Health (DOH).
Naging undersecretary siya ng DOH mula 2010 hanggang 2015.
At nanilbihan bilang Special Adviser to the National Task Force Against Covid-19.
Samantala, itinalaga din ng pangulo si Gilberto Teodoro Jr. nilang kalihim ng Department of National Defense (DND).
Si Teodoro ay naging kongresista ng first district ng Tarlac at may malawak na karanasan sa private at public sectors.
Dati nang naging kalihim ng DND si Teodoro noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. (DDC)