Alert Level 2 itinaas ng Phivolcs sa Bulkang Mayon
Mula sa Alert Level (abonormal) ay itinaas sa Alert Level 2 (inceasing unrest) ng Phivolcs ang Bulkang Mayon.
Ayon sa Phivolcs, simula noong huling linggo ng buwan ng Abril ay nakapagtala ng pagtaas ng rockfall incident mula sa summit ng bulkan.
Mula sa average na 5 rockfall events kada araw, ay umabot sa 49 rockfall events kada araw ang naitala noong June 4 hanggang noong June 5.
Simula Apr. 3 ay nakapagtala ng 26 na volcanic earthquakes.
Ang pagtaas sa Alert Level 2 ay nangangahulugan na mayroong “unrest” sa bulkan dahil sa shallow magmatic processes na maaaring magdulot ng phreatic eruptions o magmatic eruption.
Pinapayuhan ang publiko nna iwasan ang pagpasok sa loob ng 6 kilometer-radius Permanent Danger Zone ng bulkan. (DDC)