Ceremonial activation ng eGovPH Super App pinangunahan ni Pangulong Marcos
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ceremonial activation ng eGovPH Super App.
Kasabay ito ng kickoff ng National ICT Month Celebration.
Ang eGov PH Super App ay layong mapadali ang transaksyon ng publiko sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagsasama sa lahat ng online services ng gobyerno sa iisang platform.
Sa kaniyang speech sinabi ng pangulo na kailangang mai-adopt ng bansa ang mga teknolohiya para mas mapagaan ang mga proseso.
Ang pagdiriwang ng National ICT Month ngayong taon ay may temang ‘Connecting Communities, Enriching Lives, Forging a Digital Future for the Philippines.’
Tamok sa isang buwang selebrasyon ang iba’t ibang aktibidad gaya ng pagdaraos ng workshops. (DDC)