Kauna-unahang Trilateral Maritime Exercise isasagawa ng PCG kasama ang US at Japan
Magsasagawa ang Philippine Coast Guard (PCG) ng kauna-unahang Trilateral Maritime Exercise kasama ang United States Coast Guard (USCG) at ang Japan Coast Guard (JCG) sa Mariveles, Bataan.
Gagawin ang pagsasanay simula sa June 1 hanggang June 7, 2023.
Gagamitin ng PCG sa pagsasanay ang BRP Melchora Aquino (MRRV-9702), BRP Gabriela Silang (OPV-8301), BRP Boracay (FPB-2401), at ang 44-meter multi-role response vessel, habang ang USCG at ang JCG ay magpapadala ng kanilang USCGC Stratton (WMSL-752) at Akitsushima (PLH-32).
Ang PCG-USCG-JCG maritime exercise ay inaasahang makapagpapalakas sa interoperability ng tatlong bansa sa pamamagitan ng communication exercises, maneuvering drills, photo exercises, maritime law enforcement training, search and rescue (SAR), at passing exercises.
Kabilang sa sasanayin ang mga scenario hinggil sa piracy.
Ang joint law enforcement team mula sa tatlong Coast Guards ay magsasagawa ng boarding inspection na susundan ng SAR operation.
Sa arrival ceremony sa Pier 15, South Harbor, Manila sa June 1 ay iimbitahan ng PCG sina US Ambassador to the Philippines MaryKay Loss Carlson, Embassy of Japan’s Deputy Chief of Mission and Minister Kenichi Matsuda, Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo, DOTr Secretary Jaime Bautista, at JICA Chief Representative in the Philippines Takema Sakamoto. (DDC)