Rescue Boat ipinalada na sa mga flood-prone area sa Marikina bilang paghahanda sa Super Typhoon Mawar
Nagsimula nang maghanda ang Marikina City Disaster Risk Reduction and Management Office (MCDRRMO) sa posibleng maging epekto sa lungsod ng Super Typhoon Mawar.
Iniutos ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na dalhin na ang mga rescue boat at iba pang rescue equipment sa iba’t ibang bahagi ng lungsod lalo na sa mga riverside communities.
Ang mga rescue boats na nakalagak sa MCDRRMO ay dinala na sa Provident Village, Homeowners’ Drive sa Brgy. Sto. Niño, A. Santos St. sa Brgy. Tumana, at Bayabas St., sa Brgy. Nangka.
Nagsagawa rin ng siren test upang masubok ang kahandaan ng mga alarma sa mga lugar na maaaring bahain sa oras na umapaw ang Marikina River.
Bagamat base sa weather forecasts ay hindi tatama nang direkta ang bagyong Betty, inaasahan namang paiigtingin nito ang Habagat na maaaring magdala ng mga pag-ulan. (DDC)