Apat na pampasabog na-recover ng AFP Bus Terminal sa Cotabato City
Na-recover ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang apat na pampasabog sa isang Bus Terminal sa Cotabato City.
Ang apat na improvised explosive devices (IEDs) at dalawang cellular phones ay na-recover sa Husky Bus Terminal sa Rosary Heights 10.
Ayon kay Joint Task Force Central Commander, Maj. Gen. Alex Rillera, nakarinig ng isang putok ng baril ang mga staff at security guard ng bus terminal.
Nang tingnan ang bahagi ng gate ng terminal, isang kahina-hinalang gamit ang kanilang nakita.
Agad silang humingi ng tulong sa pinakamalapit na detachment, ng 1404th Regional Mobile Force Battalion.
Ang mga pulis naman ang nakipag-ugnayan sa Marine Battalion Landing Team 5.
Sa inisyal na imbestigasyon, naita ang mag IED sa loob ng isang kahon.
Inaalam pa kung sino ang nag-iwan ng pampasabog at ano ang motibo nito. (DDC)