OFWs na apektado ng ban sa Kuwait binigyan ng tulong-pinansyal

OFWs na apektado ng ban sa Kuwait binigyan ng tulong-pinansyal

Binigyan ng tulong-pinansyal ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng ipinatupad na ban sa Kuwait.

Pinulong ni Migrant Workers Undersecretary Hans Cacdac ang mga OFW na dapat sana ay paalis na patungong Kuwait.

Hindi natuloy ang kanilang biyahe matapos suspendihin ng pamahalaan ng Kuwait ang pag-iisyu ng visa sa mga newly hired Filipino workers.

Pinagkalooban ng DMW ng P30,000 financial aid ang mga apektadong OFWs.

Nagsasagawa na din ng job matching ang ahensya para mahanapan sila ng trabaho sa ibang bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *