Biyahe ng United Airlines sa Guam kanselado dahil Super Typhoon Mawar
Kinansela ng United Airlines ang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na galing at patungong Guam.
Sa abiso ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kanselado ang flight UA 183/184 Guam-Manila-Guam.
Ito ay dahil sa hindi magandang panahon sa Guam dulot ng Super Typhoon Mawar.
Direktang maaapektuhan ng bagyo ang Guam na nasa Category Four typhoon na.
Ayon sa National Weather Service, posibleng maghatid ng torrential rains at matinding pagbaha sa Guam ang nasabing bagyo. (DDC)